SAMPAL at hambalos ang tinamo ng van driver at conductor mula sa pasahero na halinhinan nilang ginahasa sa Surigao del Sur.
Nasakote ang mga suspek nang matunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga ito habang pinapaayos ang van sa bayan ng
Claver
Sa reklamo, sinabi ng 19-anyos na biktima na sumakay siya ng van sa Tandag para magbakasyon nang maiwan siya mag-isa nang magbabaan ang mga pasahero sa Carrascal.
Huminto ang van sa harap ng isang convenience store alas-3 ng madaling araw para maghintay umano ng pasahero, ayon sa biktima.
“According to them, mag-aantay lang ng pasahero kaya nag-standby sa gilid ng terminal. Pagbalik ng driver at pahinante, may dalang alak na. Inubos and then suddenly tinali ang kanyang kamay. Tinali gamit ang t-shirt daw ng lalaki. Doon daw siya pinagsamantalahan nang dalawang beses,” ani Claver Municipal police station chief Capt. Markson Almeranez.
“Basta tinali nila ako. Nakahiga lang ako doon. Dalawa sil kaya nababoy na talaga. Nakasigaw po ako, pero wala ring makarinig sa akin kasi nakasarado yung pinto,” sabi ng biktima.
Nagpaikot-ikot ang van bago muli siyang ginahasa ng mga suspek.
Makaraan ang dalawang oras ay pinababa siya ng mga salarin sa terminal sa Claver.
“Magsumbong daw ako sa mga ate ko, papatayin daw niya ako. Sa mga pulis daw, papatayin daw nila ako kapag nagsumbong ako,” sambit ng biktima.
Agad namang nagsumbong ang biktima sa mga pulis, na natunton ang van sa isang talyer.
“Iniwan po ito ng suspek doon para ipagawa ang brake. We found out na nag-check-in sa isang lodging house,” ani Almeranez.
Sa presinto, todo hingi ng tawad ang mga suspek sa biktima.
“Sa nabiktima po namin, humihingi kami talaga ng kapatawaran. Sorry po talaga sa nagawa namin. Nadala lang po ng kapusukan kaya nagawa. Hindi po talaga purpose namin na mangyari na ganon,” ayon sa suspek na si Don Paje.
“Humihingi ng tawad, ma’am. Sana mapatawad kami,” segunda naman ni Tonton Enopia.