UMABOT na sa P12.68 trilyon ang utang ng Pilipinas ngayong Marso 2022.
Tiniyak naman ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na sa tama ginagamit ang perang inutang ng pamahalaan.
“We assure our people that the country’s borrowings, which put the county’s outstanding debt to more than P12 trillion, as end of March 2022, shall be put into good use and utilized effectively and efficiently,” sabi ni Andanar.
Idinagdag ni Andanar na lumobo ang utang ng bansa dahil sa pagtugon nito sa pandemya at para makabangon sa ekonomiya.
“We need to sustain our country’s long-term socioeconomic growth and development,” dagdag ni Andanar.