PINAYUHAN ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na imbes na magtawag ng people power ay isipin na lamang at pag-aralan ang kaso ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC).
“Ano bang dahilan nila para himukin ang taongbayan na mag-alsa laban sa pamahalaan samantalang ang pamahalaan ay tumutupad lang sa batas. Hindi ito gawa-gawa lang pamalaan, gawa ito sa panahon ni Duterte at aminado siya rito,” pahayag ni Castro sa briefing sa Palasyo nitong Miyerkules.
Dapat ang mga tao ngayon ay mag-isip, alamin kung ano bang nangyayari. Ang kaso ay nasa ICC, hindi ito gawa-gawa ng gobyerno,” hirit pa nito.
Anya ang pagpapatawag ng people power ay panawagan para mapabagsak ang gobyerno.
“Hindi ba pagpapabagsak ito ng gobyerno? Unang-una, may warrant of arrest. Ikalawa, may kasong isinampa, at ikatlo may mga biktima na handang tumestigo,” giit nito habang ipinapaliwanag na walang ilegal sa pag-aresto kay Duterte.