INIHAYAG ng University of the Philippines na papayagan na nito ang 100 porsyentong face-to-face classes sa ikalawang semester ng academic year 2022 hanggang 2023.
Ginawa ng UP ang pahayag ilang araw matapos batikusin ni Senador Pia Cayetano ang kabiguan ng unibersidad kasama ang ilang pang state colleges na bumalik na sa in-person classes.
“UP is already holding 100% face-to-face classes for laboratory, studio, and practicum courses, among others, and all courses in some of its constituent universities in the first semester of the current academic year. UP Manila began holding 100% face-to-face classes for its courses in the public health disciplines as early as July 2021,” sabi ng UP sa isang Facebook post.
Idinagdag ng UP na isinasapinal na ang mga detalye kaugnay ng implementasyon ng face-to-face classes sa lahat ng kurso at ang pamantayan sa graduate programs.