Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo may P20M mula kay Marcos

TUMANGGAP ng P20 milyon mula sa tanggapan ng Pangulo ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ginawaran din si Yulo ng Presidential Medal of Merit sa isinagawang awarding ceremony sa Malacanang Martes ng gabi.

Samantala, tumanggap naman ng Presidential Citation at tig-P2 milyon ang mga bronze medalist na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas habang tig-iisang milyon ang lahat ng atleta na lumahok sa katatapos pa lamang na 2024 Paris Olympics.

Pinagkalooban din ng Palasyo ng tig-kakalahating milyon ang coaching staff.

Dumating sa bansa ang mga atleta sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines.