KINANSELA ng Intellectual Property Office of the Philippines ang trademark registration na “Eat Bulaga” ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at sinabi na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang nasa likod ng iconic name.
Sa desisyon na inilabas nitong Martes, sinabi ng IPO na ang TVJ ang may “absolute and exclusive right to register” ng pangalang “Eat Bulaga” or “EB” trademark base sa mga ebidensiyang isinumite ng TVJ camp na siyang gumawa ng nasabing pangalan.
Ayon pa sa ruling, nabigo ang TAPE na ipaliwanag nang mabuti na sila ang nag-mamay-ari ng “Eat Bulaga”.
“The Petitioners proved that it is the originator and owner of the contested EAT BULAGA mark. Petitioners’ explanation or story on How initially the idea of the EAT BULAGA mark came about, did seem believable and credible,” ayon sa ruling.
Noong Hunyo 2, naghain ng petition para ikansela ang “Eat Bulaa” trademark na hawak ng TAPE dahil kinuha nila ito “fraudulently”.
Noong Mayo 31, nilayan ng TVJ ang TAPE Inc, ang producer ng “Eat Bulaga” na ipinalalabas sa GMA-7.