Tunay na Alice Guo, please come forward

STOLEN IDENTITY.

Ganito ang post ni Senador Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page.

Paano kayang nagkapareho ng pangalan, birthday at pareho pa ng lugar?

May NBI clearance ang isang “Alice Leal Guo,” na kapareho ng birthday ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na July 12, 1986, tanong ni Hontiveros sa kanyang post at ginawang pagbubunyag sa hearing ngayon sa Senado.

Pareho rin anya ang spelling ng pangalan. Pero ibang iba ang mukha!

“Napakadami ko pong katanungan. Is it a coincidence na may dalawang Alice Leal Guo na pinanganak on July 12, 1986, sa Tarlac?,” ayon kay Hontiveros.

“Is it a coincidence that this NBI clearance was applied for just a few days before the date of filing of the delayed registration of birth of the other Alice Leal Guo in Tarlac City?

“Or is this a case of stolen identity?

“Has Guo Haping assumed the identity of a Filipino woman and then nearly a decade later, ran for public office?

“Sino po ang babaeng ito na may pangalang Alice Leal Guo pero hindi kamukha ni Mayor? Nasaan na po siya ngayon?,” dagdag pa ng senador.