ISANG mananaya mula sa Metro Manila ang nakasungkit ng P107 milyong jackpot mula sa 6/42 Lotto na binola Martes ng gabi.
Natumbok ang 6-number combination na 22-24-10-34-02-35 ng solong mananaya, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Binili ang lucky ticket sa Lucky Circle Corp. sa San Lazaro, Manila.
May isang taon para ma-claim ng winner ang kanyang jackpot na PHP107,852,598 sa PCSO main office sa Mandaluyong City.
Samantala, may 56 mananaya naman ang nanalo ng tig-P24,000 matapos makuha ang lima sa anim na numero. Kokolekta naman ng tig-P800 ang may 2,240 mananaya na nakakuha ng apat na tamang numero.
Binobola ang 6/42 Lotti tuwing Martes, Huwebes at Sabado.