HINAMON ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang lahat ng mga tumatakbong kapitan ng barangay sa darating na eleksyon sa Oktubre 30 na sumailalim sa voluntary drug test.
“It is not a requirement to have a drug test, not a requirement by the Comelec pero ako naman dahil malaki, problema natin ang drugs, it is global problem. Sana sa mga tatakbong barangay captain, ipakita ninyo na kalaban ninyo ang droga, kayo ang maging ehemplo, magpa-voluntary drug test kayo and would send a strong message to everyone,” sabi ni Abalos.
Tinatayang 42,001 ang uupong mga bagong barangay captain sa matapos naman ang huling araw ng mga nakaupong opisyal sa Nobyembre 30, 2023.