Tsinelas regalo ni Korina kay Diwata

HINDI gaya ng ibang personalidad na milyon-milyong piso ang halaga ng regalo kay Diwata, isang pares ng tsinelas ang pasalubong ng broadcaster na si Korina Sanchez sa viral pares vendor.

Sa Instagram, ibinahagi ni Korina ang mga larawan ng pagbisita niya kay Diwata at pagtikim sa mga inihain nitong pares at fried chicken.

Ani Korina, crunchy chicharon bulaklak at lechon kawali ang sahog sa pares ni Diwata sa halip na ang nakasanayang beef.

“Yes ‘siken’ is chicken. And his pares sauce with crunchy chicharon bulaklak + lechon kawali (instead of beef) w unli rice and soda for P100 — is where hundreds of pilgrims a day line up for,” wika ni Korina.

Bilang pasasalamat, binigyan ni Korina si Diwata ng pares ng puting tsinelas na may lagda niya.

“He gave me his phenom pares dish. So I gave him a pares ng tsinelas,” sambit ni Korina.