Site icon Pinoy Publiko

Trending si Father nang palayasin vendor ng palaspas na nasa compound ng Simbahan

SA gitna ng paggunita sa Linggo ng Palaspas, nag-trending ang isang pari sa Cainta, Rizal matapos itong mabidyuhan habang pinalalabas ang tindera ng palaspas na nasa loob ng compound ng simbahan.

Sa video kitang pinaaalis ng pari ang babaeng vendor na naglatag ng mga ibinibenta niyang palaspas.

Paulit-ulit na maririnig sa video ang pahayag ng pari “Doon kayo sa labas, sa labas, sa labas…”

“Amin ito, may karapatan kami. Doon kayo sa labas,” giit pa ng pari na mula umano sa St. Francis of Assisi Parish Church.

Nangatwiran pa ang babae na matagal na anila itong ginagawa ngunit sagot sa kanila ng pari na”wala akong pakialam (kung matagal na ninyo itong ginagawa.”

Maririnig din sa video ang pari na sinabi “na kanina ko pang umaga sinabi yan, wala rito sa loob.”

Exit mobile version