Toni nirentahan buong resort para sa family outing

BAGO dumating ang tag-ulan ay nag-bonding ang pamilya ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex sa isang resort sa Pampanga.

“Pinasara namin ang buong resort para sa excursion ng buong pamilya,” ani Toni sa vlog.

Ang tinutukoy ni Toni ay ang Aqua Planet sa Mabalacat.

Aniya, nirentahan nila ang buong resort para ma-enjoy nang pribado ang mga attractions.

Ilan sa in-enjoy ni Toni at mag-ama niyang Paul at Seve Soriano ang Octopus Racer, Super Bowl at Tornado.

Ayon sa actress-host, nagpa-catering sila na inaprubahab naman ng Aqua Planet management.