Tisoy baked mac vendor ng Marikina, ‘bagong Diwata’?

HOT topic online ang 28-anyos lalaki na nagtitinda ng baked macaroni sa Marikina City dahil hindi mas bagay umano itong artista kesa street vendor.

Kinilala ang vendor na si “Enteng,” na nagsimula umanong magtinda noong kasagsagan ng pandemic.

Unang nakilala si Enteng sa vlog ng isang

Manuel Olazo, pero pumutok ang pangalan niya nang bisitahin siya ng sikat na social media personality na si Cherry White.

Sa kanyang vlog, makikita si Cherry White na pinakyaw ang mga itinitinda ni Enteng at ipinamigay sa mga tao.

Ayon kay Enteng, nagsisimula siyang magtinda alas-4 ng hapon at minsan ay inaabot ng madaling araw bago makaubos. Nasa 50 tubs ang kadalasang ibinebenta niya araw-araw.

Sinabi ni Enteng na hindi pa niya kayang umupa ng puwesto dahil maliit lang ang kinikita niya sa pagtitinda. P65 ang presyo ng bawat tub.

May asawa at dalawang anak si Enteng.