PINAGBANTAAN ng demanda ng komedyanang si Pokwang ang isang netizen na nagbigay ng opinyon ukol sa relasyon nito sa dating live-in partner na si Lee O’Brian.
Ani Pokwang, isasama niya sa listahan ng idedemanda ang netizen dahil sa umano’y pakikialam nito sa kanyang buhay.

“Sali kita sa demanda…ate go ka lang ng goooowww. expertise ni @attyralph_calinisan magpahanap sa NBI ng mga acct na kagaya mo…so ready ka na ba?” pagbabanta niya.