TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na magpapakalat ng mga sasakyan para magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng nakatakdang transport strike ngayong araw.
Ayon kay Artes, 20 sasakyan, kabilang ang 11 commuter van, anim na bus, at tatlong trak ng militar ang ipakakalat.
Itinakda ngayong araw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) ang transport strike kasabay ang nakatakdang P13.15 taas ng presyo sa kada litrong diesel.
Tigil-pasada tuloy ngayong Martes

An empty EDSA from Estrella in Makati to Ortigas, Pasig on March 17, 2020 due to the suspension of public transportation under enhanced community quarantine. Stranded commuters have walk to head home. Photo by Inoue Jaena/Rappler