Teves posibleng bumalik na sa bansa – Remulla

POSIBLENG bumalik na sa bansa si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. bukas, Mayo 17, 2023, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. 

Ang impormasyon, ayon kay Remulla, ay galing sa reliable source na nakakaalam sa flight operations.

Una nang sinabi ni Remulla na si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at ilang iba pa. Gayunman, iginigiit ni Teves na wala siyang kinalaman sa nasabing pagpatay.

“We want him to be able to face the charges properly. And the timing is perfect because the charges will be filed tomorrow… I hope he comes home,” pahayag ni Teves.

Nakaalerto na rin ang pulisya sa posibleng pagbalik sa bansa.