Teacher na nang-verbal abuse posibleng masibak

SINABI ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa na posibleng matanggal sa serbisyo ang guro na sangkot umano sa verbal abuse ng isang Grade 5 na mag-aaral.

“Misconduct kapag totoong nangyai yan. Ayaw ko hong pangunahan ang ginagawang imbestigasyon pero ang worst case scenario ay dismissal from the service,” sabi ni Poa sa panayam sa DZMM.

Ito’y matapos mag-viral ang sulat ng isang estudyante kung saan inilahad niya na siya ay tinawag na bobo, hayop ng guro.

“Zero tolerance po tayo lalo na first day ng school. Nakakatrauma po talaga kung totoong nangyari yan. Tutugunan po natin yan. Hindi tayo papayag na maabuso ang ating learners,” dagdag ni Poa.