DAHIL nga ba sa tindi ng init kaya naglundagan paalis ng dagat ang tone-toneladang tawilis at tila boluntaryong nagpahuli sa mga taga-Sapang Dalaga sa Misamis Occidental kamakailan.
Ayon sa Facebook user na si Mico Cabahug, nasorpresa siya at ang kanyang mga kapitbahay sa Brgy. Casul nang makitang nagtatalunan sa baywalk ang mga isda nitong nakaraang Huwebes.
Agad namang kumuha ng mga balde at banyera ang mga residente para lalagyan ng mga huli na kanilang ibinenta sa merkado at ipinang-ulam.
Napag-alaman na ito ang unang beses ngayong taon nakaranas ng kagilagilalas na pangyayari ang mga taga-Sapang Dalaga.
May nagsasabi na dala ng matinding init kung bakit nagtalunan ang mga isda mula sa dagat.
Sakabila nito, nagpasalamat naman sila sa Diyos at sa dagat sa biyaya.