Tarp ni Bong Revilla spotted sa buong Pinas; inokray ng netizens

HINDI lang sa Quezon City kundi sa maraming lugar sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa naispatan ang mga tarpaulin ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa kanyang Kapuso comedy show.

Kahapon ay iniulat ng PUBLIKO ang reklamo ng isang X user na si Jules Guiang ukol sa tarpaulin ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbibidahan ni Revilla na nakakabit sa poste sa Maginhawa, Quezon City.

Inulan ng komento ang post ni Guiang (@julesguiang) mula sa netizens na nakita rin ang mga poster sa kani-kanilang lugar.

“His tarps are all over Antipolo. Upper and Lower. Like every other poste going Antipolo may tarp siya mas marami at mas nauna pa naikabit sa announcement nung declaration of Antipolo cathedral as international shrine. More more more on the city center,” ani @aarondaw123.


“It’s all over. We live in San Pedro, Laguna and we’ve seen it all the way to the Sta. Rosa-Tagaytay road. Even along the service roads in Muntinlupa (I work in Muntinlupa) are riddled with them,” sabi naman ni @earedge.

“All over Mindanao Ave din siya…He’s everywhere?!?? If this is just promo for the show he’s in, I’ve never seen promo for a TV show in this large extent,” sey ni @kuligliganing.



Maliban sa mga nasabing lugar, naispatan din ng mga netizens ang tarp sa Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas Taguig, Cubao area, Ortigas Ave. sa Pasig, sa paligid ng UST sa Manila, at Camanava.



Makikita rin ang mga ito, dagdag nila, sa ilang bayan sa Bulacan, Nueva Vizcaya, Cavite, Batangas, Quezon Province, Cagayan Valley, Isabela, “Benguet-Elyu boundary,” Palawan, Camarines Norte, Masbate, Iloilo, Negros Occidental, “mula Boracay hanggang Capiz,” at General Santos City.


(@hanazawa_rui, @cristopherPHI/X)