MAHA-high blood ka sa taas ng preso ng baboy ngayon.
Ayon sa Department of Agriculture, pumalo sa P430 kada kilo ang presyuhan ng baboy sa merkado dahil pa rin sa epekto ng African swine fever (ASF) at pagtaas ng demand nitong holiday season.
Gayunman, sinabi Agriculture Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa na asahan na bababa rin ito sa mga susunod na linggo.
Sa monitoring na isinagawa ng DA sa Metro Manila, ang presyo ng kasim ay nasa pagitan ng P300 hanggang P400 kada kilo habang ang pork belly naman ay nasa P350 hanggang P430.