Tanim-bala balik na naman? 69-anyos na senior citizen hinarang dahil sa anting-anting na bala

NANGINGINIG sa galit ang isang 69-anyos na senior citizen matapos sitahin sa airport dahil sa may bitbit umano siyang “anting-anting” na bala sa kanyang bag.

Sa kanyang post sa social media, inakusahan ni Ruth Adel ang mga security personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng “tanim bala” habang pa-board na anila sa kanilang flight patungong Vietnam.

Sa cellphone video na kanyang ibinahagi, makikita na naghalungkat ng kanyang bag ang kanyang pamilya sa NAIA pre-departure area habang hinahanap ang sinasabing nakitang “bala”.sa x-ray machine.

Muntik na umano silang hindi makaabot sa kanilang fligth dahil sa tinding abalang ginawa sa kanila.

Bukod dito, matinding kahihiyan din ang kanyang dinanas na maakusahan siyang may bitbit na bala na dagdag pa niya na ni minsan ay hindi pa nakakakita ng itsura ng totoong bala ng baril.

Tanong pa ng pamilya ni Adel ng kung may bala sa bag, sana ay sa unang x-ray machine pa lang ay pinahinto na sila.