Taga-Romblon tumama ng P17.5M sa Mega Lotto

MULA sa Romblon ang tumama ng mahigit sa P17.5 milyon jackpot mula sa Mega Lotto 6/45 draw Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lone bettor ang winning combination na 36-25-19-37-07-11 na may kabuuang premyo na P17,567,700.60.

Binili ang ticket mula sa isang outlet sa F. Zamora street sa bayan ng Odiongan.

May isang taon ang winner para kunin ang kanyang premyo.

May 40 naman mananaya ang tumama ng tig-P32,000 matapos makakuha ng 5 tamang numero.

Binobola ang 6/45 Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.