Taga-Rodriguez, Rizal tumama ng P33.5M sa Mega Lotto

WAGI ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Rizal ng P33.5 milyong jackpot mula sa bola ng Mega Lotto 6/45 nitong Independence Day.

Sa advisroy ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ang winning combination na 07-40-25-08-30-39 na binili mula sa outlet sa Sta. Cruz, Emilio sa Centella Homes Subsidvision sa Rodriguez, Rizal.

Maaring kolektahin ang total jackpot prize ng P33,595,070.80 sa loob ng isang taon sa tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Samantala, 23 mananaya naman ang tumama ng tig-P32,000 matapos tumpak na makuha ang lima sa anim na numero ng winning combination.

Binobola ang 6/45 Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. (PNA)