NANGUNA si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na posibleng pumalit kay Pangulong Bongbong Marcos sa 2028, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Pumangalawa naman si Senador Raffy Tulfo at nasa ikatlong pwesto naman si dating Vice President Leni Robredo.
Ginawa ang survey mula noong Abril 15 hanggang 18 na kinomisyon naman ni dating LPGMA party-list Rep. Arnel Ty.
Sa 1, 200 na tinanong, 28 porsiyento nito na iboboto nila si Duterte habang 11 porsiyento naman ang kay Tulfo at 6 porsiyento ang kay Robredo.