SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na umabot sa 19 porsiyento ang walang trabaho noong Marso, 2023.
Base sa survey na isinagawa ng SWS mula Marso 26 hanggang 29, 2023, lumalabas na bagamat mas mababa ito ng 2.3 puntos kumpara sa 21.3 porsiyento na naitala noong Disyembre 2022 at pitong puntos na mas mababa sa 26.0 porsiyento noong Abril 2022, mas mataas pa rin ito ng 1.5 puntos kumpara sa 17.5 porsiyento noong Disyembre 2019, bago ang pandemya.
Nangangahulugan nito na aabot sa 8.7 milyon ang walang trabaho noong Marso 2023 at 9.6 milyon noong Disyembre 2022.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.