NANAWAGAN si Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña sa gobyerno na unahin nito ang pagtaas ng sweldo ng mamamayan sa buong bansa at hindi ang kontribusyon sa Social Security System at pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na parehong dagdag parusa sa publiko.
“Hiling ng mamamayan ay dagdag na suweldo, pero anong nakaamba sa kanila, contribution hike sa SSS?” pahaya ni Cendaña, kasabay ang panawagan sa Malacanang na bigyang prayoridad ang hiling ng mamamayan na dagdag na sweldo at ipagpaliban ang SSS contribution hike.
“This increase is insensitive to the demands of the Filipino workers. It puts the burden on them instead of the government actually making an effort to resolve systemic issues. The SSS contribution rate hike has to be temporarily suspended,” ayon pa sa mambabatas.
Mula sa 14 percent ay magiging 15 percent na ang magiging contribution ng miyembro sa SSS simula ngayong Enero.
Plano rin magtaas ng pasahe ang LRT 1.