DAPAT nang maglabas ang Korte Suprema ng desisyon hinggil sa petisyon para sa pagpapaliban sa Dec. 31 deadline ng pagcoconsolidate ng prangkisa ng lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa bansa.
Sa inihaing supplemental motion ng grupong Piston, hinimok nito ang Korte Suprema na maglabas na agad ng resolusyon hinggil sa hiling na Temporary Restraining Order (TRO) tungkol sa PUB modernization program deadline.
“The petitioners likewise pray for the immediate issuance of a TRO to prevent the grave and irreparable injury that the petitioners, the jeepney drivers and operators, their families, the commuters and the public in general will suffer,” ayon sa motion.
Sinasabi ng grupo na tinatayang 140,000 driver at operatoris ang posibleng mawalan ng pagkakakitaan sakaling matuloy and deadline.
“Millions of drivers, operators and their families, as well as commuters all over the country will experience a severe impact on their income and livelihood should the franchise of thousands of PUV operators be cancelled on January 1, 2024,” dagdag pa ng petisyon.
Sa ilalaim ng modernization program, operators na hindi nakapag-aplay para sa consolidation bago o sa mismong deadline na Dec. 31, 2023, ay hindi na papayagan na mag-organize o makasali sa existing transport cooperatives.
Nauna nang nagsampa ng petisyon ang ilan pang transport groups na humihingi ng TRO laban sa ipatutupad ng deadline.
Samantala, binigyan naman ng Korte Suprema ang pamahalaan ng 10 araw para sagutin ang petisyon.