Sunshine pinusuan family picture ni Cesar

POSITIVE ang reaksyon ng aktres na si Sunshine Cruz sa family picture ng dating mister na si Cesar Montano kasama ang dating partner nito na si Teresa Loyzaga at ang anak ng dalawa na si Diego Loyzaga.

Sa Instagram ay ipinost ni Diego ang photo ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanyang anak.

Makikita naman na nag-heart si Sunshine sa nasabing post.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000 pero nauwi ito sa hiwalayan noong 2013. Mayroon silang tatlong anak, sina Chesca, Angelina at Sam.

Naging magkarelasyon naman sina Cesar at Teresa mula 1994 hanggang 1996.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang bagong karelasyon si Cesar.