Site icon Pinoy Publiko

Sundalo may dagdag allowance kay Marcos

INIUTOS ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtataas ng daily subsistence allowance lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Sa kasalukuyang P150 na daily allowance, aakyat ito sa P350 kada, base sa Executive order (EO) 84 na nilagdaan ni Marcos nitong Marso 14.

Retroactive ang gagawing dagdag allowance na magsisimula Enero 1, 2025.

“It is imperative to increase the Subsistence Allowance of all Officers and Enlisted Personnel of the AFP to protect and promote their welfare, in recognition of their sacrifices and perseverance, in defending and upholding the country’s sovereignty and territorial integrity,” ayon sa EO 84.

Huling itinaas ang subsistence allowance noong 2015 base sa Congress Joint Resolution 5 na inisyu rin nang nasabing taon.

Sinasabi ng EO 84, na ang kasalukuyang allowance ay hindi na angkop sa arawang pangangailangan ng mga active-duty soldier, at kailangang pangalagaan sila upang maayos na matugunan ang kanilang mga tungkulin.

Exit mobile version