PORMAL nang inilabas ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang Sugar Order Number 2 na nag-ootorisa na umangkat ng 150,000 metric tons ng asukal matapos lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Natanggap ng Office of the National Registrar, UP Law Center, Diliman, Quezon City ang Sugar Order Number 2 noong nitong Martes, September 13, 2022 at magiging epektibo makalipas ang tatlong araw.
Nais rin ni Marcos na dumating ang mga imported na asukal bago mag Nobyembre 15, 2022.
“Registered international sugar traders participating in this import program shall ensure their respective allocated volumes shall arrive in the Philippines not later than November 15, 2022. As such, each participant shall be given one month from November 15, 2022 to completely distribute their allocation to respective clients for industrial use and/or direct consumption and submit to SRA within 30 calendar days thereafter written proof of compliance to the said actual distribution,” sabi ng Sugar Order Number 2.
Bukod kay Marcos, kabilang sa pumirma sa Sugar Order Number 2 ay sina Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, Acting SRA Administrator David Alba, Acting Board Member-Millers’ Representative Ma. Mitzi Mangwang at Acting Board Member-Planters Representatives Pablo Luis Azcona.
Sa ilalim ng Sugar Order Number 2, 75,000MT ay ilalaan para sa industrial user at ang 75,000 naman ay para sa lokal na merkado.