BINASAG saka sinilaban sa Laoag City, Ilocos Norte ang mga rebulto ng Sto. Niño na hindi aprubado ng Simbahang Katoliko.
Ayon sa Diocese of Laoag, kabilang sa mga imahe ng Child Jesus na sinunog ay ang mga rinitwalan ng mga kulto; ang Santo Niño de la Suwerte na may ibon, ubas at lalagyan ng barya; Santo Niño de Palaboy; Sto. Niño na kulay green, yellow at pula; Santo Niño na hubad na may nakasabit na anting-anting, at Santo Niño dela Sacristan.
Bago ito, nagbabala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ukol sa mga ibinebentang Sto. Niño na nahaluan ng paganong kasanayan.
Sinabi ng CBCP, tanging pinahihintulutan lamang ang mga imahe na gaya ng mga makikita sa mga simbahan na mayroong hawak na globo at setro at may suot na korona.