PINAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang standing passengers sa loob ng mga bus.
Sa Memorandun Circular No. 2022-070 na inisyu ng LTFRB nitong Lunes, pinapayagan na ang Public Utility Bus (PUB) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) Class 2 na magsakay ng mga pasahero kahit nakatayo ang mga ito.
Gayunman, inilatag din ng LTFRB ang mga kondisyon sa mga bus na magsasakay kahit na nakatayo, ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Low-Entry/Low Floor PUB – nasa 15 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan
2. Coach-type PUB – nasa 10 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan
3. MPUJ Class 2 – lima ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan