NANAWAGAN si dating mambabatas na si Neri Colmenares sa Social Security System (SSS) na suspendihin nito ang pagpapatupad ng mas mataas na contribution rate.
Dagdag pasanin anya ito sa publiko na iniinda ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kinondena ni Colmenares ang contribution hike at wala anyang “konsensya” ang ahensiya kung sakaling ipipilit na ipatupad ito.
“This SSS contribution hike is absolutely unconscionable,” ayon sa dating mambabatas sa isang kalatas.
Anya, bigat na bigat na ang mamamayan sa dagdag na singil na ipatutupad ng Maynilad at Manila Water, Meralco, ngayon naman ay iindahin pa ang dagdag na contribution rate sa SSS.
“The SSS is shameless in raising the contribution rate even though the promised pension increase has not yet been delivered. For the SSS board, the fund life of the SSS and their high salaries and perks are more important than the lives of its members, who are the source of the agency’s funds. SSS is just like PhilHealth, which is obsessed with its funds rather than the benefits of its members,” ayon pa rito.
Epektibo ngayong Enero itataas sa 15 porsyento mula sa 14 porsyento ang contribution rate sa SSS.