INUGA ng magnitude 5.8 na lindol ang Southern Leyte Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Tectonic ang origin ng lindol na tumama 10.01 kilometro timogsilangan ng bayan ng San Franciso alas-7:39 ng umaga. May lalim itong 14 kilometro.
Naitala ang Intensity VI sa San Francisco, Southern Leyte, habang Intensity V naman ang naramdaman sa Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Padre Burgos, Pintuyan, San Juan, at San Ricardo, Southern Leyte.
Intensity IV ang naiulat sa Abuyog, Bato, City of Baybay, Hilongos, Hindang, at Inopacan, Leyte; Bontoc, Limasawa, City of Maasin, Macrohon, Malitbog, Saint Bernard, Silago, Sogod, at Tomas Oppus, Southern Leyte.
Intensity III ang naramdaman sa Cebu City; Alangalang, Albuera, Barugo, Burauen, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, Javier, Julita, Kananga, Macarthur, Mahaplag, Mayorga, Merida, Palo, Santa Fe, Tanauan, at Tolosa, Leyte; City of Surigao, Surigao del Norte.
Intensity II naman sa Babatngon, Isabel, at Palompon, Leyte; at Cagayan de Oro.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks at posibleng magkaroon ng mga pinsala dulot ng malakas na lindol.