BINALAAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga smugglers at hoarders sa pagsasabing hindi niya papayagan na magpatuloy ang kanilang mga ilegal na gawan na nagpapahirap sa mga ordinaryong Pinoy.
“’Yun ang aming…direksyon dito sa pag-imbestiga na ito. Kaya’t hindi natin basta’t pababayaan ito dahil may ginugutom na Pilipino. May namamatay from starvation and poverty (na) Pilipino dahil sa kanilang ginagawa,” sabi ni Marcos matapos dumalo sa Livestock Philippines Expo 2023 in Pasay City.
Nauna nang inatasan ni Marcos ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga sangkot sa kartel.
“Hindi maaari nilang ituloy ‘yung kanilang ginagawa. Tama na ‘yan at titigilin na natin ‘yung kanilang masasayang ginagawa dati,” aniya.