SINABI ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez na ibebenta ng P70 kada kilo ang mga nakumpiskang smuggled na asukal sakaling pumayag si Pangulong Bongbong Marcos sa rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
“They are selling at P70 (kada kilo) at the SRA. The price of white sugar is P90 to P105, yung brown, P85, P86, bumababa ng konti pero depende sa source. Nakikita natin na dapat stable din ang supply para stable ang prices,” sabi ni Estoperez.
nang sinabi ni SRA Administrator David Alba na irerekomenda niya kay Marcos ang pagbebenta ng mga smuggled na asukal sa mga Kadiwa center, kabilang ang P240 milyong halaga ng asukal na nakumpiska sa Batangas port.
Idinagdag ni Estoperez na nakikipag-ugnayan na rin ang SRA sa Department of Finance (DOF) para kumuha ng clearance para maibenta ang mga nakumpiskang asukal,
“It has to be cleared with the DOF as the BOC (Bureau of Customs) is under DOF. Inaayos na po ang seizure order doon saka pa lamang itetest ng SRA kapag okay na siya saka natin dadalhin sa mga outlets,” aniya.