Small rice retailers may ayudang P15K

TATANGGAP ng hanggang P15,000 ayuda ang mga maliliit na rice retialers simula sa isang linggo para mabawi ang kanilang inaasahang lugi dahil sa pagpapatupad ng price ceiling sa presyo ng bigas na nagsimula nitong Martes.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, nakipag-usap na siy kay Speaker Martin Romualdez at kay House committee chairperson Rep. Elizalde Co hinggil sa sourcing ng pondo na gagamitin sa ayuda.

Ito ay base na rin anya sa instruction sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos na kunin ang pondo ng ayuda mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) na nakapailalim sa aprubadong P5.5 bilyon budget ngayong taon.

Ang SLP ay matagal ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang layunin ay para tulungan ang mga ordinaryong mamamayan kabila na ang mga may maliliit na negosyo na apektado ng mga kalamidad at krisis gaya na rin ng price cap.

Maximum na P15,000 ang maaaring matanggap ng kwalipikadong negosyante na ibabase naman sa listahan na ibibigay sa kanila ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture, paliwanag pa ni Gatchalian.

Anya makukumpleto ang listahan bago matapos ang linggo.