SM sinibak guard na pumatay sa tuta

NAGLABAS na ng kalatas ang SM North Edsa kaugnay sa ginawang paghahagis ng isa nitong security guard sa tuta, na nasawi pagbagsak sa kalsada, sa labas ng nasabing mall.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation into the matter. The Security Guard has been dismissed and is no longer allowed to service any of our malls nationwide,” ayon sa management.

“As a pet-friendly establishment, we strongly condemn any acts that endanger or harm the lives of animals,” dagdag nito.

Matatandaan na nag-viral ang ginawang paghahagis ng tuta mula sa footbridge ng guard na nagalit nang tumangging umalis sa footbridge ang mga bata na may alaga sa naturang aso.