SK chairman dedo sa salpukan ng 3 motorsiklo

NASAWI ang isang Sangguniang Kabataan chairman ang nasawi habang isang obrero ang sugatan sa banggaan ng tatlong motorsiklo sa Santa Cruz, Ilocos Sur kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jhonnel M. Cortez, 23, SK chairman ng Brgy. Sidaoen.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa mototsiklo si Cortez dahil sa hindi pantay na aspalto sa nasabing barangay kaya sumalpok ito sa motorsiklo na minamaneho ni Ruel Hagacer, 35, construction worker.

Matapos iyon ay bumangga rin ang motorsiklo ni Cortez sa isa pang motorsiklo na minamaneho naman ng isang magsasaka.

Dinala sa pagamutan sina Cortez at Hagacer pero idineklarang dead on arrival ang SK chairman.

Napag-alaman na walang suot na helmet si Cortez nang maganap ang aksidente.