PINAGHAHANDA na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang publiko sa nakaambang pagtataas ng singil sa tubig sa Enero.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar na ngayon ay halos P60 na ang palitan, ayon kay MWSS chief regulator PAtrick Lester Ty.
“It will have an effect definitely, but we will try our best to minimize or at least spread this increase through the next five years,” ayon kay Ty.
“But in the meantime, since we are still under the original concession agreement, all the losses for foreign currency will be included during the rate rebasing that is ongoing right now and that will have an effect in the rates this coming Jan. 1, 2023,” dagdag pa ng opisyal.
Ang tinutukoy ni Ty ay ang foreign currency differential adjustment (FCDA), ang rate-setting mechanism na pinapayagan ang mga concessionaire ng MWSS na Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services na bawiin ang kanilang mga gastos dahil sa pagbagsak ng piso dahil sa mga foreign loans na kanilang kinuha para i-improve ang kanilang serbisyo.