Singil sa Meralco taas muli ngayong September

SA ikatlong sunod na buwan, magtataas muli ng singil sa kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Setyembre.

Magtataas ng P0.1543 per kilowatt hour (kWh) ang singil ngayong buwan o P11.7882 per kWh mula sa P11.6339 per kWh noong Agosto.

Ibig sabihin, asahan na ang P31 pag-angat sa electric bill ng mga household na kumukonsumo ng may 200kWh.

Paliwanag ng Meralco, ang pagtaas ay dulot ngpagtaas ng transmission charges o ang halaga ng delivering power supply sa distribution system nito na umabot sa P0.2913 per kWh.