ASAHAN na ang pagtaas sa singil sa kuryente sa Luzon dahil sa kakulangan sa suplay na nagresulta sa magkakasunod na red at yellow alert, ayon sa Department of Energy (DOE).
“Puwedeng mangyari na tumaas ang singil dahil sa kakulangan ng supply,” ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella sa panayam sa radyo.
Base sa law ng supply ang demand, paliwanag ni Fuetebrella, kapag konti ang suplay at mataas ang demand, asahan nang tataas ang presyo.
Nitong linggo ay nagkaroon ng serye ng red at yellow alert na nagresulta sa rotating power interruption.
Nakatakda namang imbestigahan sa Kamara ang kasalukuyang suplay ng kuryente sa Luzon kasunod ng sunod-sunod na brownout. –A. Mae Rodriguez