HINDI katanggap-tanggap.
Ganito ang sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy chair at Capiz Archbishop Bendico sa ginawang pagkanta at pagsayaw sa remix version ng “Ama Namin” habang naka-costume bilang Kristo ng drag queen na si Pura Luka Vega.
Sinabi rin ni Bendico na isang “blasphemy” ang ginawa ni Vega.
“May God have mercy on him. The sacred liturgy is a sacred celebration where God encounters his people through his word and the sacraments,” ayon sa obispo sa panayam ng Radio-Veritas nitong Huwebes.
“The liturgical celebrations of the Church should glorify God and not dishonor God. They are meant to sanctify people and not People will blaspheme,” dagdag pa nito.
“God is present there whenever the word of God is read, through the person of the minister, whenever people are gathered in His name and in the Body and Blood of Christ. These teachings alone of the Liturgical Constitution of Vatican 2 are clear indications that the liturgical celebrations should be respected,” ayon pa sa opisyal ng simbahan.
Maging ang transwoman na mambabatas na si Bataan Rep. Geraldine Roman ay nagpahiwatig din ng kanyang pagkadismaya sa nasabing video ni Vega.
Ayon kay Roman, hindi ito nakakatulong sa komunidad ng LGBTQ para respetuhin at kilalanin ang karapatan ng mga miyembro nito.