NAGDIWANG hindi lamang ang mga batang Quiapo kundi ang buong simbahang Katolika matapos itanghal bilang national shrine ang Minor Basilica of the Nuestro Padre Jesus Nazareno o mas kilala sa tawag na Simbahan ng Quaipo.
Ilang simbahan din ang nagpahayag ng kanlang pagbati, kabilang na rito ang Manila Cathedral, Antipolo Cathedral, Sto. Niño de Pandacan Parish at Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre o ang Sto. Sepulcro Parish.
Nitong Linggo, inanunsyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na inaprubahan na nito ang pagtalaga sa Archdiocesan Shrine ng Itim na Nazareno bilang national shrine status.
Ang Quiapo Church ang ika-29 national shrine ng Simbahang Katolika ay tatawagin na “National Shrine of the Black Nazarene”.