Simbahan kay Quiboloy: ‘Sumuko’ ka na!

UMAPELA ang isang lider ng Simbahang Katoliko kay Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na sagutin sa Kongreso ang alegasyon ng sexual abuse at trafficking laban sa kanya.

Kaugnay nito, hinimok ng Caritas Philippines, ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang Senado at Kamara ang otoridad ng mga ito upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng umano’y pang-aabuso ni Quiboloy.

“The allegations against Mr. Quiboloy and the KOJC are deeply troubling,” ani Caritas Philippines president Bishop Jose Colin Bagaforo.

“Human trafficking, sexual abuse, and other criminal activities, if proven true, represent a grave violation of human rights and fundamental dignity, especially impacting women, children, and other vulnerable individuals,” dagdag niya.

Ayon kay Bagaforo, obispo ng Diocese of Kidapawan City, kailangang humarap ni Quiboloy sa otoridad “not just for the sake of transparency, but for the victims who deserve justice.”

“[Likewise], the Senate “must assert its authority and ensure a thorough and impartial investigation into these allegations.”

Ito ang unang beses na isang tanyag na grupong Katoliko ang pumalag kay Quiboloy, ang spiritual adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte.