INUGA ng magnitude 5.6 na lindol ang Siargao island Sabado ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang pagyanig pasado alas-2 ng madaling araw 35 kilometro sa coast ng General Luna sa Siargao Island, Surigao del Norte. Tectonic ang origin na may lalim na 58 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa General Luna, Del Carmen, San Isidro, Dapa, at Claver sa Surigao del Norte, at Cortes sa Surigao del Sur; at Intensity I naman sa Bislig City, Surigao del Sur.
Naiulat naman ang Instrumental Intensity III sa Tandag City, Surigao del Sur; Intensity II sa Mambajao, Camiguin; City of Cebu, Cebu; Dulag, Leyte; Gingoog City Misamis Oriental; and Sogod, Southern Leyte; at Intensity I sa Malaybalay, Bukidnon; Carcar, Cebu; Nabunturan, Davao del Oro; Palo, Leyte; at Padre Burgos, Southern Leyte.
Inaasahan ang aftershocks sa ilang lugar, ayon pa sa Phivolcs.