SHS graduates sa Bulacan may libreng burger

BUKOD sa diploma, nakatanggap ng burger at bottled water ang mga senior high school graduates ng Immaculate Concepcion Polytechnic sa Sta. Maria, Bulacan nitong Miyerkules.

Isa-isang inabutan ni Sta. Maria Councilor Neil Mateo ng burger at tubig ang mga graduates pagbaba ng establado.

Ayon sa konsehal, umabot sa 3,500 burger ang ipinamahagi sa dalawang araw na graduation na ginanap sa Malolos Convention.

Napag-alaman na iti-treat ng opisyal sa Starbucks ang mga valadictorian at salututorian mula sa private elementary at high schools sa Sta. Maria habang P500 halaga ng GCash naman ang regalo niya sa mga galing sa public schools.