Binisita ni Sharon Cuneta ang kanyang tiyahin na si Helen Gamboa at asawa nitong si Senate President Tito Sotto.
Ginawa ni Sharon ang pagdalaw sa pamilya Sotto isang buwan makaraang kapwa matalo sa pagkabise-presidente ang asawa niyang si Kiko Pangilinan at ang tiyuhin.
Ipinost ni Sharon sa Instagram ang mga pictures na kayakap si Tito na tinawag niyang “Daddy,” si Helen na tinawag niyang “Mama,” at mga pinsan na kanya umanong mga “sisters.”
Matatandaan na nagkaroon ng tampuhan ang dalawang pamilya noong Oktubre nang kapwa maghain ng certificate of candidacy para sa bise presidente sina Tito at Kiko.
“I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks,” ayon kay Sharon sa isang post noon.
Sabi naman ng anak ni Tito na si Ciara: “I cried because I am so hurt and disappointed. It made me feel that my parents were of no value after all.
“Ate (Sharon) has always been considered and treated like a daughter by my dad and especially my mom.”