Shabu pinalitan ng asin, tricycle driver binoga

SUGATAN ang tricycle driver nang barilin ng riding-in-tandem makaraan umano niyang bentahan ng asin imbes na shabu ang mga ito sa Dalaguete, Cebu noong Huwebes, June 13.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg ang biktima, 26, residente ng Brgy. Balud, at ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Sakay ng kanyang tricycle ang biktima papuntang Brgy. Poblacion nang tabihan ng motorsiklo ng mga suspek alas-10:30 ng umaga.

Naglabas ng baril ang backride at pinaputukan ang biktima bago tumakas.

Nadakip naman ng pulisya ang isa sa mga salarin sa hot pursuit operation.

Ayon sa suspek, nagalit sila sa biktima dahil imbes na shabu ay asin ang ibinenta nito sa kanila.