DAPAT aksyunan agad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang ahensiya ang nangyayaring serye ng hacking sa mga website ng pamahalaan.
Ito ang panawagan nitong Lunes ni Senador Grace Poe matapos ma-hack ang website ng House of Representatives nitong Linggo.
Nanawagan din si Senador Risa Hontiveros ng imbestigasyon sa nakababahalang serye ng hacking at data breach sa mga ahensiya ng pamahalaan dahila sa kakulangan ng cybersecurity measures ng bansa laban sa mga cyberattacks.
Sa Senate Resolution No. 829 na inihain ni Hontiveros, sinabi nito na ang mga ganitong insidente ay naglalagay sa mga Pinoy sa mga panganib na sitwasyon.
Ayon kay Poe na chair ng Senate committee on public services na dapat pagtibayin ng mga sangay ng pamahalaan ang rekord ng publiko sa pamamagitan ng pagpapaigting sa cybersecurity system ng bansa.
“It should not be business as usual for them and just wait for the next victim of data breach. These hackings must be stopped and hold those behind it liable,” pahayag ni Poe.